Patay ang isang taxi driver makaraang pagsasaksakin at ibigti ng dalawa niyang pasahero sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Wenceslao Alcantara, 67, ng No. 201 Mabuhay Compound, Sauyo, Quezon City, sanhi ng mga saksak sa dibdib at pagkakabigti ng sinturon.

Tinangay din ng mga suspek ang mga kinita ng biktima, pati na rin ang cell phone nito.

Ayon sa saksing si Laurence Rivares, tricycle driver, dakong 2:30 ng madaling araw, naghihintay siya ng pasahero nang mapansin niya ang paghinto ng taxi (Lady Mely- TXJ-751) ng biktima sa kanto ng Disiplina Village, Barangay Ugong, Valenzuela City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Bumaba po ‘yung dalawang lalaki na parehong nakasuot ng sombrero at nagmamadali patungong GSIS Village. Tapos may ilang minuto na patay ang makina ng taxi at nandoon lang sa lugar,” ani Rivares.

Naglakas-loob umano siyang silipin ang driver at dito na niya nadiskubre ang duguang bangkay ng biktima at agad ipinaalam sa mga pulis. (ORLY L. BARCALA)