Ipagdiriwang ng Amerika ang Columbus Day sa Oktubre 10, ayon sa US Embassy.

Kaugnay nito, sarado sa publiko sa nasabing petsa ang US Embassy sa Manila at mga tanggapang konektado rito.

Ang pag-obserba sa Columbus Day ay isang American holiday na ipinagdiriwang sa Amerika, kaugnay sa pagkakadiskubre ni Christopher Columbus sa kontinente ng Amerika noong Oktubre 12, 1492.

Balik sa normal na operasyon ang embassy at mga konektadong tanggapan sa Oktubre 11. (Bella Gamotea)

Events

Lhar Santiago nagdiwang ng kaarawan pero netizens, kinabahan?