BERGSHAMRA, Sweden (AP) – Natatangi ang pagkakabuklod ni Emelie Eriksson at ng kanyang anak---silang mag-ina ay nanggaling sa iisang sinapupunan.

Si Eriksson ang unang babae na nagsilang matapos tanggapin ang uterus ng kanyang ina sa isang revolutionary operation.

“It’s like science fiction,’’ sabi ni Eriksson, 30, sa Associated Press sa eksklusibong panayam sa kanyang bahay sa hilaga ng Stockholm. “This is something that you read in history books and now in the future when you read about this, it’s about me.’’

Magdadalawang-taon na ngayon ang anak ni Eriksson na si Albin. Umaasa siya na mahihikayat at ma-inspire sa kanyang istorya ang ibang kababaihan para sumailalim sa womb transplant. “I hope this will be a reality for everyone that needs it,’’ aniya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang kanyang operasyon ay isinagawa ni Mats Brannstrom, isang Swedish doctor at pinaniniwalaan na natatanging tao sa mundo na nakapagpaanak ng mga sanggol mula sa mga babaeng sumailalim sa womb transplant. Naniniwala si Brannstom na balang araw ay magiging pangkaraniwan na lamang ang operasyon.