NATATANGI ang Paskong ihahatid ng pop culture icon na si Hello Kitty ngayong darating na Disyembre. Bibisita siya sa Pilipinas upang magtanghal para sa mga bata at sa iba pa niyang fans. Pinamagatang Hello Kitty Live - Fashion & Friends, ito ay gaganapin simula December 20 hanggang January 1 next year sa Meralco Theater, Pasig City.

Presented by Royale Chimes Concerts and Events Inc. and Zen Tiger Live, ang naturang show ang kauna-unahang pagkakataon para sa lahat na masaksihan ang buhay ni Hello Kitty pati na ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.

Makakasama niya sa palabas na ito ang kanyang twin sister na si Mimmy, ang best friend na si My Melody, ang kanyang boyfriend na si Dear Daniel, ang easy-going na kaibigan na si Pom Pom Purin at ang troublemaker sa kanilang barkada na si Bad Badtz-Maru.

Ang Hello Kitty Live ay kapupulutan ng aral ng lahat lalo na ng mga bata. Ito ay tatalakay sa moral values tungkol sa friendship, respect, kindness, hard work, talent at creativity. Siguradong matutuwa ang mga magulang sa show na ito dahil magsisilbi itong educational show para sa kanilang mga anak.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tampok din sa show ang soundtrack na kinabibilangan ng pop hits ng international singers na sina Bruno Mars, Kylie Minogue, Flo Rida, Clean Bandit, Charli XCX, Echosmith at maraming iba pa.

Ang Hello Kitty Live ang nag-iisang show sa buong mundo na maririnig ang kanyang tinig dahil madalas ay makikita lamang siya na nagsasayaw. Dito din malalaman kung ano ang mga paborito niyang gawin sa buhay kasama ng kanyang mga kaibigan. May special participation din ang nanay at tatay niya dito. Siguradong mag-i-enjoy ang mga bata pati ang buong pamilya sa show.

Sa 16 shows ay may pagkakataon din na makatabi at makapagpa-picture with the cast ang mga manonood pagkatapos ng bawat palabas. Available ito on a first come, first serve basis para sa mga bumili ng ‘meet and greet’ pass. Para naman sa mga Citibank cardholders, ongoing na ang pre-sale sa tickets with 15% discount sa lahat ng Ticketworld outlets.