DAHIL sa kanyang pagpapa-sexy bilang si Venus sa Alyas Robin Hood, hindi nakaligtas si Andrea Torres sa bashers.

Sa isang post kasi sa official Instagram account ng GMA Network, makikita si Andrea na daring ang suot bilang Venus sa top rating serye.

Kaya may isang netizen na nagsabing hindi raw dapat ganoon ka-daring ang isinusuot niya. Pero well-loved si Andrea ng kanyang fans, kaya agad siyang ipinagtanggol ng mga ito, at pinagsabihan ang basher na character lamang niya sa teleserye ang pagpapaka-daring niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang nakakatuwa kay Andrea, determinado siyang huwag patulan ang kanyang bashers.