Isang matandang lalaki na isa umanong palaboy ang pinagbabaril ng mga armado sa Parañaque City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa Parañaque Doctors Hospital ang biktima na kinilalang si Hornelito, alyas “Conie”, 72, walang permanenteng tirahan, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Walter Dullawan, ng Parañaque City Police, dakong 7:45 ng gabi natagpuan ng mga residente ang duguang biktima sa Sitio Cul de Sac, Barangay Sun Valley ng nasabing lungsod.

Agad isinugod ang biktima sa naturang pagamutan ngunit huli na ang lahat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Dullawan, kung saan-saan lamang natutulog ang biktima at wala pang lumulutang na kaanak nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)