alex-at-joseph-copy

SA cast party ng My Rebound Girl natanong si Joseph Marco tungkol sa napabalitang nagpagawa siya ng ilong dahil sumobra naman daw ang tangos na kitang-kita sa pelikula.

“Ay, hindi, ah!” mabilis na sagot ng aktor.

“Walang time ‘yan (magpagawa ng ilong),” hirit naman ni Alex Gonzaga na sinang-ayunan ni Joseph.

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024

“Wala akong time, saka dire-diretso ako sa trabaho ko. May nagsabi nga rin, nagpaayos ako ng panga kasi prominent din itong buto (sabay pakita).”

Ang paliwanag ng aktor, pumayat siya kaya lumabas ang buto niya at mas lalong tumangos ang ilong niya.

Naniniwala naman kami sa sinabing ito ng aktor dahil napansin din namin ang naglalakihang ugat sa kamay at braso niya.

“Ganito kasi nangyayari kapag nagda-diet ako, maglalabasan ang mga ugat ko, wala akong choice kundi magsakripisyo kasi kailangan ko para sa next project ko,” paliwanag ni Joseph.

Samantala, inamin ng binata na hiyang-hiya siya habang pinapanood nila ni Alex ang My Rebound Girl kasi nga baka hindi maganda ang feedback, pero nakahinga raw siya nang maluwag nang marinig niya ang hiyawan ng audience.

Nagbukas na kahapon ang My Rebound Girl, mula sa direksiyon ni Emman de la Cruz under Regal Entertainment.

(Reggee Bonoan)