alden-maine-009-copy-copy

MAHIGIT isang taon na ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na patuloy ang pagtanggap ng iba’t ibang parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies. 

Ang latest award na tatanggapin nila sa ngayong araw ay mula sa Alta Media Con, bilang Most Promising Male Star at Most Promising Female Star. Mga estudyante ng University of Perpetual Help System-Dalta ang bumoto sa kanila.

Kamakailan naman ay tinanggap din nila mula sa Eduk Circle 2016 ang awards bilang Most Influential Endorsers of the Year bukod pa sa ibang categories na tinanggap din nila.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Certified na most influential endorsers sina Alden at Maine, at pinatotohanan ito ng isang taga-ahensiya na nakausap namin. Hindi pa raw nawawala ang magic ng dalawa bilang ambassadors ng iba’t ibang products.

“Kahit anong produkto na ibigay mo sa kanila, maliit man o malaki, tinatangkilik talaga ng fans nila at iba pang consumers,” sabi ng aming source. “Kaya ang Eat Bulaga, hindi talaga mawawalan ng commercial loads basta nasa kanila ang AlDub. Siguro nga medyo bumaba na ang rating ng noontime show, pero mataas pa rin ang commercial loads nila. 

“Sulit naman kasi kapag nagpasok ka ng commercial loads sa kanila, dahil may regular viewers sila talaga, kahit saang segments pa nila ilagay.”

Naalala tuloy namin ang isa naming friend na kahit daw anong endorsements nina Alden at Maine ay binibili niya, at kung minsan ay maramihan pa. Ipinamimigay daw niya sa mga kapitbahay niya.

Kaya ang biro namin sa kanya, dahil guy siya, paano ang ini-endorse na sanitary napkin ni Maine? Ibinibigay nga raw niya sa mga kapitbahay niya na may mga anak na babae. 

Nang lumabas ang ice cream endorsement ng dalawa, kahit maliit lang daw ang ref niya, bumibili siya ng marami at ipinamimigay din niya. Pabiro pa niya, pinag-iipunan na niya ang pambili ng sasakyan na ini-endorse din ng dalawa.

Natatawa rin kami sa Team Abroad. Isang friend from Abu Dhabi ang suki ng Doña Maria rice na ini-endorse ni Alden, dahil meron din pala nito sa groceries doon. Nag-order na rin ng red colored, heart-shaped Yale lock ang fans club nila roon nang mapanood nila sa Imagine You & Me. Ang nakakaloka, sabay daw nila itong in-order kasama ng bagong album ni Alden sa GMA Records na Say It Again na worth 40DHS (pera sa Abu Dhabi) pero mas mahal ang Yale lock na worth 60DHS.

Anyway, paalis ngayong Thursday si Alden for a GMA Pinoy TV show titled “At Last In London” produced by Prismworks Productions na gaganapin sa Troxy Theater in London sa Linggo, October 2, 2016, 3:00 – 5:00 PM.

Kasama sa VIP tickets ang meet and greet kay Alden after the show. Ilang araw ding mananatili si Alden sa London at may chance siyang makapasyal sa ilang lugar doon na kasama sa itinerary niya. 

Happy trip and good luck, Alden! (NORA CALDERON)