Sinisiyasat ng Pasay City Police ang motibo sa pagpatay ng riding-in-tandem sa isang barker na umano’y drug user sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.

Agad nasawi si Jaime Colacito, 50, ex-convict, ng No.577 Ventanilla Street, Barangay 124 ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na kapwa nakasuot ng helmet at jacket na agad nagsitakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dakong 7:35 ng gabi nangyari ang pamamaril sa Ventanilla St., Park Avenue, Bgy.124.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatayo ang biktima sa lugar nang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka na kinalululanana ng mga suspek.

Isa sa mga suspek ang nagbunot ng baril at walang habas na pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. (Bella Gamotea)