jona-copy-copy

DUMATING si Jona (formerly known as Jonalyn Viray) sa presscon ng Gabay Guro at kumanta pa ng Hero ni Mariah bilang sample sa gagawin niya sa Setyembre 25, sa Gabay Guro’s 9th Teacher’s Tribute this year.

Gagawin pa rin sa MOA ang event para sa mga teacher dahil for free na ibinibigay sa PLDT-Smart Foundation ng SM ang venue.

Sabi ni Jona, tumatanaw siya ng utang na loob, kaya every year, kapag libre rin lang siya, nagbu-volunteer siyang maging celebrity volunteer ng Gabay Guro.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Mahal natin ang teachers, and this is my way of giving back sa kanila bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa mga naging teacher ko dati na nagturo at gumabay sa akin noong nag-aaral pa ako,” pahayag ni Jona.

Nakumusta rin namin kay Jona ang mga alaga niyang pusa at aso at ikinuwentong abot na sa 20 ang adopted cats na karamihan ay rescued cats. Marami ring pet dogs din si Jona at ang nakakatuwa, memoryado niya ang mga pangalan ng mga ito.

Samantala, sina Mr. Gary Dujali at Chaye Cabal-Revilla ang big force sa likod ng Gabay Guro at masaya nilang ibinalita na aabot sa 25 ang celebrity guests na dadalo sa Gabay Guro para magbigay saya sa mga teacher.

Malalaking pangalan sa recording industry o sa showbiz sa kabuuan ang sasamahan ni Jona sa event. Kaya masasabing kahanay na talaga sa big league si Jona. Kabilang sa mga makakasama niya sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Jaya, Lea Salonga at marami pang iba.

“Libre ang talent fee ng celebrities at nakatutuwa na sila pa minsan ang nagtatanong kung kailan ang Gabay Guro. Ang hinihingi lang nilang TF (talent fee) ay for their glam team. We want this year’s Gabay Guro the biggest and grandest teachers event in the country,” sabi nina Mr. Dujali at Ms. Chaye.

Exclusive sa teachers, admission is free and to get a free ticket, follow Gabay Guro on Facebook, Twitter and Instagram @PLDTGabayGuro or visit the Gabay Guro official website gabayguro.com for more details. (Nitz Miralles)