LONDON (AFP) – Gagawing ‘’very painful’’ ng European Union ang Brexit para sa Britain, sinabini Slovak Prime Minister Robert Fico sa isang panayam na inilathala nitong Lunes.

‘’The EU will take this opportunity to show the public: ‘Listen guys, now you will see why it is important to stay in the EU’. This will be the position,’’ sabi ni Fico, na ang bansa ang kasalukuyang may hawak ng rotating EU presidency, sa Financial Times.

Iginiit ni Prime Minister Theresa May na magiging matagumpay ang Brexit ng Britain, ngunit wala pang kongkretong plano rito.

‘’They are bluffing,’’ sabi ni Fico sa kumpiyansa ng London, idinagdag na: ‘’Even if it is the fifth-biggest economy in the world -- I understand their financial importance -- this will still be very painful for the UK.’’

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM