BAWAT laro kasaysayan para sa reigning women titlist National University.

Laban sa La Salle Lady Archers, naging madali para sa Lady Bulldogs ang bawat kilos tungo sa 72-59 panalo at dugtungan ang dominanteng winning streak sa 36 nitong Linggo sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart- Araneta Coliseum.

Hataw si Afril Bernardino, tinanghal na MVP sa nakalipas na season, sa natipang 22 puntos at 13 rebound, habang kumana si Gemma Miranda ng 17 puntos, 10 board at apat na assist para sa ikaapat na sunod na panalo ng Lady Bulldogs ngayong season.

Ginapi naman ng University of the East (3-1), sa pangunguna nina Nicole Mendina at Love Sto. Domingo na kumana ng pinagsamang 27 puntos, ang Far Eastern University (1-2), 55-45, para sa solong ikalawang puwesto.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagsalansan ng 22 puntos si Kaye Pingol, habang ratsada si Jonalyn Lacson sa nakubrang 15 puntos at 20 rebound, sa 74-62 panalo ng Adamson University (2-2) kontra Ateneo (1-2), 74-62.