Arestado ang isang nurse na supplier ng party drugs sa ikinasang buy-bust operation sa garahe ng isang hotel sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, nitong Sabado ng gabi.

Nakakulong ngayon si Kenneth Santillan, nasa hustong gulang, kilala umanong drug pusher at supplier ng party drugs sa mga bar at club sa Taguig at Makati City.

Sa ulat na natanggap ni acting Southern Police District (SPD) Director Sr. Supt. Tomas Apolinario Jr., dakong 11:47 ng gabi nadakip ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ang suspek sa parking space ng F1 Hotel, BGC.

Ayon kay SAID Chief Insp. Gerry Amendalan, bago ang insidente, bumili ng limang piraso ng ecstasy ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kay Santillan na naging dahilan ng pagkakaaresto ng huli.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasamsam mula kay Santillan ang 10 piraso ng valium, 12 pirasong party drugs, 11 pakete ng shabu at isang liquid marijuana na may street value na P60,000.

Inamin ni Santillan na nagtutulak siya ng ilegal na droga upang tustusan ang gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina.

(Bella Gamotea)