Sisikapin ni reigning International Boxing Federation (IBF) flyweight champion Johnriel Casimero na makorner ang British challenger na si Charlie Edwards sa kanilang 12-round championship bout sa Linggo sa O2 Arena sa London, United Kingdom.

Bago lumipad patungong London, nakumpleto ng Team Casimero ang training program ng Pinoy fighter.

“We are prepared for that,” sabi ni Jun Agrabio, trainor ni Casimero.

“In fact, I am expecting that tactic. But twelve rounds is a long time and sooner or later, we’ll catch him. Besides, he is the challenger, he has to take to title away.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Inaasahan ko talagang puro takbo ang gagawin niya,” sambit ni Casimero.

“Pero hindi ako nag-aalala. Napanood ko na ang video ng mga laban niya. Mas magaling pa rin sina Amnat Ruenroeng at Armando Santos.”

Ito ang unang pagdepensa sa titulo ni Casimero (22-3, 14 TKO) laban kay Edwards (8-0, 3 TKO) at magaganap ito sa pamosong O2 Arena na kilala na sa tawag na Millennium Dome bilang undercard ng WBC/IBF World middleweight title bout nila Gennady “GGG” Golovkin at Brit star Kell Brook.

Nasungkit ni Casimero ang pangalawa niyang division title noong Mayo 25 nang patulugin si Thai Amnat Ruenroeng sa 4th round ng kanilang rematch sa Beijing, China.

Sinabi ni Casimero na dream fight niya si WBC flyweight champion Roman Gonzales ng Nicaragua, kasalukuyang The Ring Magazine pound for pound king, na nakatakdang lumaban kay WBC super flyweight titlist Carlos Cuadras ng Mexico sa Linggo sa The Forum, Inglewood, California sa United States.

Nakahanda rin si Casimero na umakyat sa 115 lbs o super flyweight division para lamang makaduwelo ang undefeated Nicaraguan champion. (Gilbert Espeña)