Patay ang isa sa mga rumespondeng pulis at isa sa dalawang holdaper sa engkuwentro sa isang convenient store sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Holy Trinity Hospital si Chief Insp. Nelson Pagaduan, commander ng Police Community Precinct (PCP) 2 ng Parañaque City Police, sanhi ng tinamong tama ng bala sa leeg.

Dead on the spot naman ang isa sa mga holdaper na si Freddie Palacay, alyas “Fred”, ng Pasig City, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan, habang nakatakas naman ang kanyang kasama.

Sa ulat na natanggap ni acting Southern Police District (SPD) Director Sr. Supt. Tomas Apolinario, dakong 12:12 ng madaling araw nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP 2, sa pangunguna ni Chief Insp. Pagaduan, nang maaktuhan ang panghoholdap ng dalawang suspek sa loob ng 7-Eleven convenience store sa Pascor Drive, Sto. Niño ng nasabing lungsod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad umanong pinaputukan ni Palacay ang mga pulis kaya napilitan umano ang mga ito na pagbabarilin ang dalawang suspek hanggang sa duguang bumulagta si Palacay, habang tinamaan naman sa leeg si Pagaduan. (Bella Gamotea)