Dinomina ng Jose Rizal University ng St. Benilde, 71-63, kahapon para patatagin ang kampanya sa Final Four ng NCAA Season 92 men's basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Hataw sina Abdoulad Poutouochi at Paolo Pontejos sa naiskor na tig-14 puntos para sandigan ang Heavy Bombers sa 8-6 karta.

Nag-ambag naman si Teytey Teodoro sa natipang 11 puntos sa krusyal na sandali ng third period kung saan nakahulagpos ang JRU mula sa dikit na laban ng Blazers.

"The desire to win is there. They want to prove something," sambit ni JRU coach Vergel Meneses.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna sa Benilde si Yankie Haruna na may 14 puntos, habang kumana sina Edward Dixon at JJ Domingo ng 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod sa bokya pa ring Blazers.

Iskor:

JRU (71) - Poutouochi 14, Pontejos 14, Teodoro 11, Grospe 8, Cruz 6, AbdulWahab 5, Dela Virgen 4, Mendoza 4, Lasquety 2, Astilla 1, Dada 1, Dela Paz 1, Evardo 0.

(CSB) - Haruna 14, Dixon 13, Domingo 10, Saavedra 8, Young 6, Castor 4, Fajarito 4, Sta. Maria 4, Pajarillaga 0, Pasamante 0.

Quarterscores:

21-16, 38-33, 62-46, 71-63