MAY kinalaman daw ang ilalabas na listahan ng drug personalities sa showbiz ang biglang lumipad patungong ibang bansa ang isang kilalang male TV host.

Kuwento ng source namin, mula raw nang pag-uusapan ang naturang isyu ay nawala agad na parang bola ang male celebrity. Mukhang knows daw kasi nito na kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga sangkot sa illegal drugs.

Banggit pa ng nakausap naming mambabatas na may konek din sa showbiz, may nagbalita sa kanya na mula nang umpisahan ni Pangulong Rodrigo Duterteang kampanya laban sa bawal na gamot ay hindi na mapakali ang male TV host.

Kaya kaysa makaladkad ang pangalan niya ay “fly to the moon” kaagad ang drama ng kilalang TV host. Hindi na raw nito hinintay na banggitin pa ang pangalan niya na isa sa sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa ng source namin, walang binanggit ang male TV host kung kailan ito babalik sa Pilipinas. Pero ang ikinaloka raw ng mga nakakakilala ng TV host ay may mga iniwanan itong trabaho. (Jimi Escala)