SINIMULAN nitong Biyernes ng pamahalaan ng Bulacan ang tuberculosis (TB) mass screening, sa pamamagitan ng Provincial Public Health Office, sa Bulacan Provincial Jail, iniulat ng Philippines News Agency (PNA).

Ang proyektong ito ay parte ng pagdiriwang ng Lung Month ngayong Agosto.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health-Regional Office 3, USAID-IMPACT project, Philippine Business for Social Progress, at ang International Committee of the Red Cross, ang mass screening na mag-aasikaso sa mahigit 3,000 bilanggo, jail guard at staff ay magtatagal ng hanggang walong linggo.

Ipinaliwanag ni Vice Governor Daniel R. Fernando sa mga bilanggo na mahalaga ang kanilang kalusugan gaya ng mga tao sa labas ng bilangguan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Your health is important to us. This is being given for free by various government agencies,” sambit ni Fernando.

Ibinahagi ni Dr. Allan Fabella, service delivery specialist ng USAID-IMPACT, ang proseso na pagdaraanan ng mga bilanggo gaya ng interview para sa senyales at sintomas, x-ray, ang bagong estratehiya sa pag-eksamin ng sputum o ang Gene Xpert, kung positibo, panibagong interview at orientation ang isasagawa hanggang sa gamutan.

Samantala, ipinagbigay-alam ni Police Sr. Supt. Fernando S. Villanueva (Ret.), jail warden ng BPJ, ang mga paraan na kanilang ipinatutupad sa kulungan laban kontra TB.

Sa kasalukuyan, aniya, aabot sa 43 TB patient at isang MDR patient sa Bulacan Provincial Jail ang sumasailalim sa gamutan.