Arestado ang isang pulis na nakabaril sa tatlong katao, kabilang ang walong taong gulang na babae, sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Naghihimas ngayon ng rehas si Police Officer 3 Edgar Nargatan, 42, sa Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal, Quezon City sa kasong pamamaril at pananakit kina Ricardo Abilla, 29, fruit vendor; Maria Cielo Gildore, 27; at walong taong gulang na si Desserie Mendez sa isang pelengke sa Barangay Bagbag, Novaliches.

Siya ay nakadestino sa Regional Public Safety Battalion of the Philippine National Police- Region 4-A (Calabarzon).

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Arnulfo Malungad, desk officer ng QCPD PS4, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa nangyari ang pamamaril sa Quirino Highway, sa kanto ng Franco Street, Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa imbestigasyon, galing sa inuman si Nargatan at nagwawala ito sa nasabing lugar at walang patumanggang nagpaputok ng baril at natamaan niya ang mga biktima. (Jun Fabon)