Kris copy copy

NATULOY si Kris Aquino para sa sinabi niyang “me time” pero hanggang ngayon ay hindi niya sinasabi kung saan siya pumunta. Pero para ipaalam ang pag-alis niya, lalo na sa fans niya na laging naghahanap sa kanya, nag-post si Kris sa Instagram.

“I managed to fly on my own & spent the 1st 24 hours by myself. Then my cuz @boss1020 & I met up after her high school friends flew home.

Thank you @itokish for flying in Monday so we could buy pieces not available in Manila for the condo rental we’ll move into September 8 (our home construction needs another 9 months)...

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

I don’t want to abuse the kindess of our home buyer who bought it fully furnished & I am respecting our contract of a September turnover. I tried to be independent – but @alvingagui flew in yesterday -- cuz I needed him esp. for packing the LBC boxes.

My shoulder & neck are still healing, not worth a relapse.”

Sa post ni Kris, nabanggit na nabenta na ang bahay niya sa Green Meadows at dahil hindi pa tapos ang ipinapagawang bagong bahay, lilipat muna sila nina Josh at Bimby sa condo.

Sa September na lilipat sina Kris at kung saang condo, ‘yun ang aalamin nating lahat.

Walang sinabi si Kris kung saan siya nagpunta, pero nasa Hong Kong siya dahil na rin sa HK rooftop na nakita mula sa eroplano at may post sa Facebook ang kanyang trusted “yaya ng mga yaya” na si Alvin Gagui na susundan niya ang Queen of All Media sa Hong Kong.

Samantala, as of press time ay wala pang linaw kung matutuloy ang kanyang paglipat sa GMA Network o mananatili siya sa ABS-CBN. (Nitz Miralles)