ZAMBOANGA CITY – Pinalaya ng Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Huwebes ng umaga sa Barangay Danag sa Patikul, Sulu ang isang guro sa pampublikong paaralan makaraang dukutin ito tatlong araw na ang nakalipas.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Maj. Filemon Tan, Jr., ang pinalayang bihag na si Edrina Manalas Bonsil, nasa hustong gulang, at guro sa Tuup Elementary School sa Bgy. Taung, Patikul.

Pinalaya si Bonsil dakong 2:30 ng hapon nitong Huwebes sa Bgy. Danag. Hindi naman makumpirma kung nagbayad ng ransom ang pamilya ni Bonsil kapalit ng pagpapalaya sa kanya.

Sinundo ni Patikul Mayor Kabir Elias Hayudini si Bonsil sa Bgy. Danag matapos itong palayain at agad na inihatid sa bahay nito sa Bgy. Anuling, Patikul.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa report, limang armadong miyembro ng ASG ang dumukot kay Bonsil dakong 8:00 ng umaga nitong Martes sa Sitio Kampuli sa Bgy. Kanague habang sakay sa jeep patungo sa pinapasukang paaralan. (Nonoy E. Lacson)