Aksidente umanong nabaril ng isang mister ang kanyang sarili na naging sanhi ng kanyang pagkamatay sa Parañaque City, nitong Lunes ng hapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan sa Parañaque Doctors Hospital si Joseph Patrick Garcia, nasa hustong gulang, ng Spratly Don Bosco ng nasabing lungsod, sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .9mm na baril.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba, dakong 5:00 ng hapon kamakalawa nang dalhin sa pagamutan ang biktima ng kanyang kinakasamang si Princess Diane Cayer matapos matagpuang duguan sa loob ng kanilang kuwarto.

Aksidente umanong nakalabit ng biktima ang gatilyo baril at minalas na tinamaan sa ulo. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20