Nasunog kahapon ng umaga ang bahagi ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa North Avenue, Quezon City, pagkukumpirma ng Quezon City Fire Department.

Base sa ulat ni QC Marshall Sr. Supt. Jesus Fernandez, dakong 9:00 ng umaga kahapon nang sumiklab ang apoy sa likurang bahagi ng gusali ng nasabing ospital.

Dahil sa maagap na pagresponde ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 9:30 ng umaga tuluyang naapula ang apoy na umabot sa unang alarma.

Sa imbestigasyon ng arson probers ng BFP, nagmula ang apoy sa projection room ng VMMC dahil umano sa short ciruit bunga ng faulty electrical wiring. - Jun Fabon

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente