Nanawagan si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa China noong Huwebes na igalang ang batas sa dagat at seguridad, at mga patakaran, upang mapayapang maresolba ang mga iringan sa South China Sea at East China Sea.

Nakipagpulong si Yasay sa Japanese counterpart nitong si Fumio Kishida sa Manila upang talakayin ang seguridad sa rehiyon at pagtutulungan sa seguridad sa dagat at pagpapatupad ng batas, gayundin ang tulong ng mga Japanese sa pagsulong ng ekonomiya.

“We ... urge China to make sure that maritime law and security must be completely and uncompromisingly respected,” sinabi ni Yasay sa news conference, idinagdag na magkapareho ang naging karanasan ng Pilipinas at Japan sa South China Sea at East China Sea.

Nakakairingan ng Japan ang China sa maliliit na pulo sa East China Sea habang magkaribal ang Pilipinas at China sa pag-aangkin sa ilang lugar sa South China Sea. (Reuters)

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte