Mahinahong sinagot ng Palasyo ang patutsada ni US Republican presidentiable Donald Trump sa bansa, kung saan inilinya nito sa mga terorista ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, nakikiisa ang bansa sa ‘peace-loving countries’ sa kanilang laban sa terorismo.

“It is ironic for Mr. Trump to say disparaging remarks about the Philippines considering his major real estate “brand” investment in Makati called Trump Tower. In fact, Mr. Trump has even professed his love for the Philippines during the launch of his 57-storey luxury apartment in Makati (in 2012),” ayon kay Andanar.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Trump na hindi dapat makapasok sa Amerika ang immigrants na galing sa ‘terrorist nations’ tulad ng Somalia, Morocco, Uzbekistan, Syria, Afghanistan, Iraq, Pakistan, Yemen, at Philippines.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa panig naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinabi nito na kung talagang magiging pangulo ng Amerika si Trump, dapat ay naiintindihan nito ang kanyang constituents. “Malalim-lalim na po at marami-rami na po ang contribution ng mga Pilipino sa America,” pahayag nito. - Elena Aben