Ni REMY UMEREZ

John arcilla

SA kabila ng maraming problemang kinakaharap ng concert producers, hindi inalintana ng mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez kasama si Tricia Amper-Jimenez ng Spotlight Productions ang pagpoprodyus ng stage musical na nagtatampok ng OPM hits.

No stones will be left unturned, wika nga, sa pagtatanghal ng DOM (Dirty Old Musical) sa Music Museum simula Setyembre 1 hanggang 10. Istorya ito ng limang kalalakihan na dumadaan sa tinatawag na midlife crisis. Ang sumulat ay ang batikang Rody Vera at mula sa direksiyon ni Dexter Santos. Pawang OPM hits noong dekada 80 ang maririnig.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Balik teatro si John Arcilla na sumikat nang husto sa surprise indie hit na Heneral Luna. Hindi lingid sa mga alagad ng teatro na isa sa mga talino ni John ang pagkanta. Ngayon lang siya mapapasabak nang husto dahil first time niyang lumabas sa isang stage musical.

Suportado si John nina Nonie Buencamino, Michael Williams, Robert Seña na isang tenor, at Ricky Davao na aminadong isang frustrated singer.