ISULAN, Sultan Kudarat – Bumuo ng programa ang pamahalaang panglalawigan ni Gov. Sultan Pax Mangudadatu, al hadz, katuwang ang Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang sektor upang mabigyan ng livelihood training ang mga sangkot sa droga na sumuko sa awtoridad.

Batay sa huling tala ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, umabot na sa mahigit 5,000 ang sumuko at lumagda sa Affidavit of Undertaking, at sa programa ay isasailalim ang mga interesado sa Alternative Learning System (ALS). (Leo P. Diaz)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!