‘License to kill’ naman ang planong ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), upang masawata ang korapsyon sa nasabing ahensya.
Sa kanyang talumpati sa Mindanao environment summit sa Davao City, naghahanap umano ng ‘killer’ ang Pangulo para sa PCSO, matapos itong madismaya sa mga raket, tulad ng pag-ride ng jueteng sa state lottery.
“Itong Philippine Charity Sweepstakes, it is a corrupt agency. ‘Yang mga pabingo-bingo, milyonaryo, hawak ng ano… ‘Yung lotto pati jueteng ginanon nila. That is the racket. You would notice, I’ve never appointed anybody there. I’m looking for a killer,” ayon sa Pangulo. (Genalyn Kabiling)