TSINIKA namin si Judy Ann Santos pagkatapos ng advance screening ng Kusina na entry sa Cinemalaya 2016 kasama ang dalawang katoto. Aminado si Juday na gustung-gusto niya ang istorya ng nasabing indie movie.
Heavy drama kasi ang Kusina at ito naman talaga ang forte niya, pero hindi nangangahulugan na hindi na siya tatanggap ng light drama or romantic-comedy films.
“Definitely, oo naman, it’s just that once in a while we have to make movies na would figure passion. ‘Yung rom-com, basta’t puwede sa edad, bakit naman hindi, basta’t swak sa edad, ayoko naman ng pinilit para lang magpa-rom-com.”
Walang binanggit si Juday na particular na aktor na gusto niyang makapareha, basta raw swak sa istorya.
“Ayokong magsara ng pintuan o sabihing hanggang dito na lang. Ang daming possibilities, eh, ang daming mahuhusay na gumawa ng scripts at mahuhusay na bagong direktor ngayon, I’m open to suggestions,” sabi ni Budaday.
Okay ba sa aktres na makasama ang mga sikat na younger actor?
“Oo naman, basta ba keri ng istorya, I’m more than happy to work with the younger ones, hindi ako makapag-pangalan kung sino, kasi lahat naman nakikitaan ko ng potentials kasi mahuhusay silang lahat umarte,” masayang sagot ng aktres.
Naitanong kung bakit hindi natuloy ang movie project sana nila ni Coco Martin.
“Kasi nu’ng ako ang pumuwede, hindi naman puwede si Coco, nu’ng puwede na siya, ako naman ang hindi puwede kasi dalawa ang ginagawa ko that time. Kaya hindi na nagawa hanggang ngayon, but I’m hoping one day magkaroon kami ng chance ni Coco na magkatrabaho kami, that was five years ago pa.”
Oo nga, feeling namin, click ang tambalang Coco at Judy Ann kaya sana ay maituloy pa rin.
Samantala, malapit si Juday kay Sarah Geronimo na itinuturing niyang little sister simula noong magkatrabaho sila sa pelikulang Hating Kapatid (2010, Viva Films). Kaya hiningan siya ng komento tungkol sa relasyon nito kay Matteo Guidicelli.
Marami ang boto kay Matteo para kay Sarah pero may ilan ding hindi pabor dahil simula raw nu’ng maging “sila na” ay natuto nang lumabag sa mga kagustuhan ng magulang ang dalaga.
“Ganito na lang, I guess kung hindi disenteng tao si Matteo at hindi siya ‘yung tipo ng tao na puwedeng magbigay ng maayos na buhay kay Sarah or he lets Sarah feel the reality of life, ay hindi sila magtatagal. I mean, he made Sarah feel na, ‘you’re normal person, you can get hurt, but you can still enjoy the little things in life.’ ‘Yun ‘yung nakakatuwa sa kanila because nanonood kami ng sineng magkakasama na hindi bongga na tipong pa-reserve natin ang buong sinehan, hindi ganu’n. Kain kami sa labas after, ganu’n lang, just the four of us, walang pagpapakitang-tao… na what you see is what you get.
“I see Matt na parang si Ryan (Agoncillo), hindi ako magsu-sugar coat ng mga bagay-bagay, ‘papakita ko sa ‘yo kung ano ako, ano’ng meron ako, ‘papaintindi ko sa ‘yo kung ano ‘yung priorities natin dapat.
“And on Sarah’s part, ngayon ko lang din siya nakitaan na, would go to that extra mile to stand for a person and I’m really glad na she’s into culinary now, she’s making time for herself.
“Nag-i-xplore na siya, nagagawa na niya ang gusto niya, tao na siya at hindi na siya robot. Unti-unti, she’s coming out of her shell. Ganu’n din naman ako dati, hindi nga lang ako singer pero alam mo ‘yung paunti-unti, she’s getting riskier and riskier by the day which is just right because kung mag-asawa ka na, and when you become a parent, you take so many risks for your children.
“And bilang tao, bago ka pumasok sa isang sitwasyon na may mga bata ka nang bubuhayin, enjoy-in mo muna mga bagong nangyayari sa paligid mo, pagiging single mo. You take risk habang wala ka pang responsibilidad sa buhay, enjoy life.
‘Yun ang parati kong sinasabi sa kanya, enjoy life, hindi mo puwedeng i-rewind ang nakaraan at sabihing hindi ko ito nagawa noon at gagawin ko ito ngayon. You cannot do that anymore when you get married and you have children.”
Nakikinig naman marahil si Sarah sa payo ng Ate Juday at Kuya Ryan niya kung paano i-handle ang relasyon nila ni Matt dahil ang tagal na nila, huh. (Reggee Bonoan)