BATANGAS CITY – Tinaningan ng pamunuan ng Batangas City Police hanggang Agosto 12 ang mga nagtutulak at gumagamit ng droga sa lungsod na nais sumuko sa pulisya.

Ayon kay Supt. Bernard Danie Dasugo, hepe ng pulisya, kalakip ng liham nila sa mga opisyal ng barangay ang listahan ng mga sangkot sa droga na kakatukin para pasukuin.

“Wala namang ibinigay na deadline ang taas (Philippine National Police) pero kami na ang nag-set ng deadline, kasi marami pa ring hindi sumusuko,” ani Dasugo, sinabing simula sa Agosto 13 ay ikakasa na nila ang sunud-sunod na operasyon laban sa mga nasa drug watchlist.

Ayon kay Dasugo, 2,900 ang nasa watchlist ng lungsod, habang 2,229 na ang sumuko sa kanilang tanggapan at 20 ang naaresto.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Apat naman ang umano’y nanlaban kaya napatay sa 31 operasyon ng pulisya laban sa droga. (Lyka Manalo)