RIO DE JANEIRO (AP) — Balik sa Olympic calendar sa 2020 Tokyo Games ang baseball at softball, habang lalaruin sa kauna-unahang pagkakataon ang skateboarding, surfing, karate at sport climbing.

Inaprubahan ng IOC ang limang sports para sa Tokyo Games nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) bunsod nang pagkakaroon ng malawak na fan base hindi lamang sa Japan kundi sa buong mundo.

Nakakuha ng “unanimous vote” ang limang sports sa mga miyebro ng IOC general assembly.

Ang pagkakasama ng limang sports ay magdadagdag ng kabuuang 18 event at 474 na atleta sa Tokyo edisyon. Bunsod nito, may kabuuang 33 sports ang lalaruin sa 2020 Games at mahigit sa 11,000 atleta ang lalahok.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Taken together, the five sports are an innovative combination of established and emerging, youth-focused events that are popular in Japan and will add to the legacy of the Tokyo Games,” pahayag ni IOC President Thomas Bach.