IPINAG-UTOS ng Department of Health (DoH) nitong Martes ang pagbabalik ng dengue express lanes sa mga pampublikong ospital, ayon sa ulat ng Philippines News Agency (PNA).

Ayon kay DoH spokesman Dr. Eric Tayag, nag-isyu na sila ng direktiba sa mga lugar kung saan may mataas ng kaso ng dengue.

Nais ni Health Secretary Dr. Paulyn Jean B. Rosell-Ubial na muling ibalik ang express lanes upang maiwasan ang pagsisiksikan, ayon kay Tayag, idinagdag na maaaring sundin din ito ng mga pampribadong ospital.

Naitala ng DoH Epidemiology Bureau ang 66,299 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 16 ng kasalukuyang taon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The figure is 22.9 percent higher compared to the same period last year, which is 53,938,” aniya.

Samantala, nanawagan si Tayag sa publiko na sundin ang “4S” program ng gobyerno laban sa dengue dahil hindi umano sapat ang bakuna laban sa nasabing sakit.

“Dengue and other mosquito-borne diseases may be prevented if we put our collective efforts and start action within our homes through the 4S campaign,” aniya.

Ang 4S ay nangangahulugan ng “Search and destroy mosquito breeding places; use Self-protection measures; Seek early consultation for fever lasting more than two days; and Say NO to indiscriminate fogging.”

Pinaalalahanan ni Tayag ang publiko na linisin ang kanilang kapaligiran at wasakin ang mga tirahan ng lamok, protektahan ang kanilang mga sarili sa pagsusuot ng pantalon, mahabang manggas at pagpapahid ng mosquito repellant lotions.