Muling magbabawas ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell ngayong araw.

Sa kalatas na inilabas kahapon ni Sherrie Ann Torres, communications officer ng Flying V, epektibo 12:01 ng madaling araw ng Agosto 2 ay magtatapyas ng 90 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 75 sentimos sa gasoline at diesel ang kumpanya.

Hindi nagpahuli ang Shell na magbabawas din ng 90 sentimos sa presyo ng kerosene at diesel, at 75 sentimos sa gasolina epektibo 6:00 ngayong umaga.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa bawas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Sa huling datos ng Department of Energy (DoE), ang presyo ng diesel sa Metro Manila ay nasa P24.35-P27.75 kada litro habang P34.15-P41.20 ang bentahan gasoline.

Noong Hulyo 26, nagbaba ang mga kumpanya ng langis ng 35 sentimos sa presyo ng diesel, 30 sentimos sa kerosene at 10 sentimos sa gasoline. (Bella Gamotea)