BERLIN (PNA/Xinhua) – Natuklasan ng mga scientist na naghahanap ng bagong antibiotics para lunasan ang mahihirap gamutin na mga impeksiyon, ang isang epektibong bacteria sa ilong ng tao.
Ayon sa ulat na inilathala sa scientific journal na Nature nitong Miyerkules, isang grupo ng German researchers ang nakadiskubre sa bacteria na tinatawag na “Staphylococcus lugdunensis”. Kaya umano nitong mag-prodyus ng kemikal na tinatawag na “hugdunin”, na pumipigil sa pagdami ng bacteria laban sa mga pangunahing pathogen.
Ang mahalagang katangian ng kemikal ay hindi ito nagde-develop ng resistance sa bugs na pinapatay nito sa paulit-ulit na paggamit, ayon sa mga mananaliksik mula sa University of Tubingen sa Germany.
Pahirap nang pahirap ang pagpatay sa mga tinatawag na “superbugs,” ang malalakas na pathogens na hindi tinatablan ng karamihan ng mga antibiotic ngayon. Habang dumarami ang antibiotics na ating ginagamit, made-develop ang mas maraming resistance sa mga target pathogens, babala ng mga scientist.
Ang superbugs ay nagdudulot ng tinatayang 700,000 pagkamatay bawat taon, ayon sa CNN.
May malaking pangako sa kinabukasan ng paglaban sa bugs ang bagong tuklas, gayunman isinulat ng ilang eksperto
sa isang kaugnay na artikulo na magiging mahirap ang pagkalakal sa mga antibiotic na nasa ilong ng tao dahil isa sa mga side effect nito ay maaari nitong sirain ang human cells.