BATANGAS CITY - Patay ang isang 21-anyos na lalaking motorcycle rider habang sugatan naman ang angkas niyang babae matapos sumalpok ang sinasakyan nila sa isang Isuzu tanker truck sa Batangas City.

Dead on arrival sa Batangas Medical Center si Michael Casas, taga-Barangay Kumintang sa lungsod.

Nilalapatan pa ng lunas ang angkas ni Casas na nakilala lamang sa pangalang Angelica, nasa 18-20 ang edad.

Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng truck na si Isabelo Plata, 52, ng Sariaya, Quezon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report ng pulisya, 10:30 ng gabi nitong Huwebes at paliko na ang truck (PLS-732) nang sumalpok ang parating na motorsiklo (XS-8333) ni Casas sa Bgy. Balagtas. (Lyka Manalo)