Toronto (AP) – Kahit wala ang iba pang NBA superstar, inaasahan ng Team USA na makakuha ang gintong medalya sa ikatlong sunod na Olympics.

Bagama’t ang delegasyon ng US ay malayo sa komposisyon ng “Dream Team” noong 1992 Games, taglay ng grupo ang talento na kailangan para masupil ang mga karibal.

Kinabibilangan nina Olympic gold medalist Kevin Durant at Carmelo Anthony ang pangkat ng United States na nasa Group A, na kinabibilangan din ng France, Venezuela, Serbia, China at Australia.

Samantala, inaasahan na madodomina ng Spain, runner-up sa huling dalawang Olympics, ang Group B at maaaring maging pinakamalakas na katunggali ng United States.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sa women’s competition, nakikitang mapapanatili ng koponan ang dominasyon. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)