Sinabi kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bibigyang-diin ng Pilipinas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitral (PCA) sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea kapag natuloy ang pakikipag-usap ng gobyerno sa China.

Ayon kay Aguirre, ilalahad ng Pilipinas ang mga usaping tinukoy ng international tribunal sa desisyon nito tungkol sa West Philippine Sea sakaling maitakda ang bilateral talks sa China.

“Of course, on our part we have to mention that but on China’s part, they would rather be silent on that. Of course they don’t want it. But on our part we want it,” sinabi ni Aguirre sa mga mamamahayag sa isang panayam matapos siyang panumpain ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III bilang pinakabagong miyembro ng PDP-Laban sa tanggapan nito sa Senado.

“I’m sure that we have to go by the decision although China doesn’t want the decision to be mentioned when there is already bilateral meeting with the two countries,” dagdag ni Aguirre.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kinumpirma rin ng kalihim na isa ang isyu sa West Philippine Sea sa maraming usaping tinalakay sa National Security Council (NSC) meeting nitong Miyerkules.

Gayunman, tumanggi si Aguirre na idetalye ang mga napag-usapan sa pulong, dahil pinagbawalan sila ni Pangulong Duterte. (Hannah L. Torregoza)