“ANG tangkad, ang haba ng legs. Hayop! Hayop sa kagandahan!”

Ito ang kuwento ni Cardo (Coco Martin) kay Benny (Pepe Herrera) nang pansinin siya ng kaibigan na ang ganda ng mga ngiti niya.

Tawa kami nang tawa habang nanonood ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Martes ng gabi dahil in-spoof nina Vice Ganda at Coco ang pelikulang ‘Girl In The Rain’ sa She’s The One nina Bea Alonzo at Enrique Gil.

Tinulungan ni Cardo si Bella (Vice) para palitan ang gulong ng sports car na kulay dilaw at sa istorya ay na-starstruck si Cardo sa nakilala niyang magandang binibini, kaya hindi lang isa o dalawang beses nilingon ng pulis ang dalaga kundi may pangatlo pa.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?

Sadyang iniwan ni Vice ang kanyang maong na jacket kay Cardo para maging dahilan upang magkaroon sila ng kontak at inaamoy-amoy naman ng huli pagdating sa bahay nila.

Parehong hindi alam nina Vice at Coco ang pagkatao ng isa’t isa kaya malalaman sa susunod na episodes ng Ang Probinsyano kung ano ang mararamdaman nila kapag nalamang magkaaway sila.

Ang ganda pala ni Vice kapag mahaba ang buhok at hindi ‘yung kinukulot na ginagawa siyang katatawanan. Kung naging babae pala ang TV host/comedian at ganoon katangkad, almost perfect na kasi matalino rin siya, di ba, Bossing DMB?

Nabitin kami sa episode na si Lee O’Brien, boyfriend ni Pokwang, naman ang nilalandi ni Vice at artista talaga ang una dahil walang effort ang acting niya habang pasulyap-sulyap kay Ella (Vice).

Magandang ideya na gawing pelikula na pawang sextortionist sina Vice, Chocoleit at Pooh at pulis naman si Coco, di ba, Bossing DMB?

(Dapat yata ibalik ang character ni Coco bilang Paloma para magpabonggahan sila ni Vice ng byuti. –DMB)