Umabot na sa 24 na suspected drug offenders ang nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa serye ng drug operation sa iba’t ibang lugar sa Maynila, simula kamakalawa hanggang kahapon.

Magkakasunod na naaresto sa Tondo, Manila sina Daniel Maliklik, 46, nadakip sa Perfecto St., dakong 2:40 ng madaling araw; Almar Tiongson, 21, naaresto sa rail road track ng Pilar St., dakong 3:10 ng madaling araw, at sina Samuel Bibo, 52; Girly Soriano, 35; Ma. Cristeta Gongon, 45 at si Mary Ann Cruz, 40, pawang residente ng Tondo at naaresto dakong 3:45 ng madaling araw sa pangunguna ng MPD-Station 7, gayundin si Kenneth Barrientos, 22.

Habang 5:00 naman ng madaling araw nang maaresto si Olayba Benjo, 20, sa Primero de Mayo St., sa Tondo.

Dakong 1:00 ng hapon kamakalawa nang maaresto ng MPD-Station 10 ang mga suspek na sina Celso Gutierrez, 44, ng Paco; Edgardo Umerez, 52, ng Pandacan; Emer Mercado, 30, ng Pandacan; Ricardo Beina, 24, ng Pandacan; Anthony Nasuli, 30, ng Pandacan, at si Alexander Oldera, 29, ng Pandacan.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Pagsapit ng 4:20 ng hapon ay naaresto ng MPD-Station 2 sa Quiricada Street, sa Tondo si Bienvenido Ibanez, 40, ng Tondo, Manila, habang arestado rin si Ramil Sarili, 41, ng Tondo, Manila sa isang operasyon ng MPD-Station 1, matapos kapwa makumpiskahan ng shabu.

Dakong 6:30 naman ng gabi nang maaresto ng MPD-Station 10 ang mga suspek na sina Jeffrey Merilo, 26, at Jesus Torrenueva, 47, kapwa residente ng Pandacan.

Eksakto 10:30 ng gabi naman naaresto sa Islamic Center sa San Miguel si Noraima Ali, 46, matapos na mahulihan ng shabu.

Pagsapit naman ng 10:48 ng gabi ay naaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 1 sa loob ng tahanan ang mga suspek na sina Danilo Gutierrez, 57; Johnny Morales, 36; at Elena Acedera, 39, pawang ng Tondo, Manila, sa isinagawang buy-bust operation.

Pagtuntong naman ng 1:30 ng madaling araw kahapon ay nadakip ng MPD-Station 10 ang magkamag-anak na sina Dennis dela Torre, 33, at Danilo dela Torre, 52, sa Fabie Street, sa Paco.

Ayon kay MPD Director Police Sr. Supt. Joel Coronel, ang sunud-sunod na pag-aresto sa mga drug suspect sa Maynila ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa droga, alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(Mary Ann Santiago)