Labimpitong Koreano ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Pasig City dahil sa pagkakasangkot sa illegal gaming.

Nagsagawa ng operasyon ang BI sa bisa ng isang Mission Order at sa kahilingan ng embahada ng South Korea upang mahuli ang mga suspek na sangkot din sa mga kaso ng pandaraya sa kanilang bansa. Tumanggi ang mga ito na magbigay ng pahayag.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may iba pa silang kasabwat sa Pilipinas. (Mina Navarro)

Boobay, pinangarap maging si Vice Ganda?