Demi copy

SINGLE and ready to mingle si Demi Lovato.

Matapos mamataan ang star sa na ka-dinner date sa Hunt & Fidh Club sa New York City noong Hulyo 19 ang Giants receiver na si Odell Beckham Jr., pinag-uusapan ng dalawa ang mas mahaba pang panahon para makasama ang isa’t isa, sabi sa People ng isang source na malapit sa singer.

Ayon sa source, sina Demi at Odell, na parehong 23, “great time” para sa dalawa ang kanilang date, pero tila masyado pang maaga para kay Lovato na mag-settle down sa isang partikular na lalaki.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“They’re still talking, but it’s nothing serious,” dagdag ng source. “She’s talking to a few different people right now and enjoying being single.” 

Noong Hunyo, ibinunyag ni Lovato at ng kanyang longtime boyfriend na si Wilmer Valderrama ang kanilang paghihiwalay matapos ang anim na taong pagsasama.

“This was an incredibly difficult decision for both of us, but we have realized more than anything that we are better as best friends,” saad nila sa Instagram. “We will always be supportive of one another. Thank you to everyone who has offered us kindness and support over the years. With only love, Wilmer & Demi.” 

Ngayong buwan, ang newly single star ay naugnay sa MMA pro fighter na si Guilherme “Bomba” Vansconcelos, at sabi ng source sa PEOPLE, “(they) had a quick fling.” (People.com)