Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 n.h. – Globalport vs Star

6:45 n.g. – Ginebra vs Alaska

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Asam ng crowd favorite Barangay Ginebra na masundan ang opening game win sa pakikipagtuos sa Alaska ngayon sa pagpapatuloy ng OPPO-PBA Governor’s Cup, sa Smart-Araneta Coliseum.

Magkakasubukan ang dalawang koponan sa main game sa ganap na 6:45 ng gabi. Magtutuos naman sa unang laro sa ganap na 4:00 ng hapon ang Globalport at Star Hotshots.

Kahit wala ang big man na si Greg Slaughter na nagpapagaling ng kanyang ankle injury na sinundan ng pagkabali ng hinlalaki ng naunang import na si Paul Harris, nagawang gapiin ng Kings ang Batang Pier, 93-81.

Sasandigan ang Kings ng bagong import na si Justin Brownlee.

Produkto ng St.John’s College sa US, ang 6-foot-6 na si Brownlee ay beterano ng Eurobasket kung saan huling naglaro sa koponan ng France na Chalon.

Samantala,magsisikap namang makaiwas sa dalawang sunod na kabiguan ang Aces na galing sa 96-100 pagkakakisay laban sa Meralco Bolts.

Samantala sa unang laro, magkukumahog naman kapwa para makapasok sa winner’s circle ang Globalport at Star Hotshots.

Nabigo sa kanilang unang dalawang laro sa kamay ng Ginebra at Mahindra, magsisikap bumangon ang Batang Pier sa pamumuno ni Dominique Sutton.

Hangad din ng Hotshots, lalo na si import Marcus Blakely, na makabawi mula sa dikitang 98-100 na pagkasilat sa Blackwater. (Marivic awitan)