Inilagay na sa full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang paghahanda sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa House of Representatives sa Quezon City na magaganap sa Lunes, July 25.

Ayon kay Police Chief Supt. Oscar Albayalde, acting NCRPO chief, dakong 5:00 ng hapon noong Biyernes nang umpisahan ang full alert status. Umaabot sa 6,720 pulis ang ikakalat sa Batasan at Commonwealth Avenue upang magpatupad ng seguridad.

“So far all systems go na tayo. Naka-full alert na kami since 5 p.m. kahapon (Biyernes). A total of 6,720 uniformed personnel lahat deployment namin sa vicinity ng Batasan at Commonwealth Avenue,” ani Albayalde.

“Wala din tayo reports that there will be violent protests,” dagdag pa nito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Inaasahan ang pagdagsa ng libu-libong raliyista mula sa Northern Luzon at Mindanao ang dadagsa sa Quezon City para sa SONA.

Sinabi ng Bagong Alyansang Makabayan na kabilang sa raliyista ang grupo ng Lumad, magsasaka, manggagawa, mangingisda, kabataan, kababaihan at labor groups. (Francis T. Wakefield at Jun Fabon)