(FILES) In this September 3, 2014 file p

Suportado ni outgoing Senate President Franklin Drilon ang balak ni Senator Manny Pacquiao na muling lumaban ng boksing.

Ayon kay Drilon, hangga’t hindi napapabayaan ni Pacquiao ang kanyang trabaho bilang mambabatas, buo ang kanyang suporta sa eight division world champion.

Aniya, pinanghahawakan niya ang mga pahayag ni Pacquiao na hindi niya pababayaan ang pagiging mambabatas kahit pa muli siyang mapapalaban sa boksing.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“His commitment is that he will not neglect his duties as a senator. And I take his word for that. I support his desire to exercise his profession as a professional boxer as long as he remains true to his commitment that he will not allow the exercise of his profession to interfere with his duties,” ayon kay Drilon.

Aniya, wala itong pagkakaiba sa isang abugado, negosyante, artista na puwedeng magpatuloy ng kanilang propesyon kahit isa ng mambababatas.

Lumaban din si Pacquiao kahit isa na siyang miyembro ng Kongreso kung saan naitala niya ang record na may pinakamaraming pagliban sa session.

“Why should we impose a different standard to a professional boxer. That’s why I am supporting Senator Pacquiao’s decision to box again because that is his profession. But I hold him to his commitment that it will not be at the price of neglecting his duty as a senator. I’ll be the first one to criticize him if he does that and I support his decision to exercise his profession.” Ayon kay Drilon. (Leonel Abasola)