Tuluyang nagpantay ang mga paa ng isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa likuran ng isang paaralan sa Paco, Manila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang suspek na si Daniel Redota, 42, ng block 49, lot 36, Southville, Cabuyao, Laguna.

Batay sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan kay MPD-Homicide chief Police Senior Inspector Rommel Anicete, nabatid na isinagawa ang operasyon dakong 10:30 ng gabi, sa likuran ng Concordia College, sa 1317 PNR Compound, Paco, Manila.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer ngunit habang nakikipag-transaksyon ito sa suspek ay sumigaw umano ang isa sa mga kapit bahay nito ng, “pulis!”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, nataranta umano ang suspek at agad binubot ang kalibre .38 revolver at pinaputukan ang mga pulis.

Agad namang gumanti ang mga pulis at tinadtad ng bala ng baril ang katawan ni Redota na naging sanhi ng pagkamatay nito. (Mary Ann Santiago)