JAKARTA (Reuters) – Labing-anim na preso na sangkot sa ilegal na droga ang nakapila sa death row at nakatakdang i-firing squad.
Kabilang sa mga dayuhang preso ay tubong Nigeria at Zimbabwe. Nagdeklara ang Indonesia ng “drug emergency” at sumumpang hindi kakaawaan ang mga drug trafficker.
Magugunitang sa huling pag-iingay ng Indonesia hinggil sa 16 nakapila sa death row, hindi kasama sa listahan ang Filipina na si Mary Jane Veloso.
Si Veloso ay nahuli at nilitis sa kasong drug smuggling. Death sentence din ang ipinataw kay Veloso ngunit noong nakaraang taon ay nabigyan ito ng last-minute reprieve dahil sa pagsuko ng recruiter nito sa Maynila, na siya umanong naglagay ng droga sa bagahe ni Veloso.
Sinabi ni Attorney General H.M. Prasetyo na naghihintay pa sila sa legal process sa Pilipinas bago aksyunan si Veloso.
Wala pang petsa kung kailan ipa-firing squad ang 16 preso na sangkot sa ilegal na droga.