Iniutos ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na baguhin ang sistema sa mga patakaran ng Kagawaran upang mabawasan ang oras ng pagpoproseso at ang pagpabalik-balik ng dokumento tungo sa mabilis na pagseserbisyo sa mamamayan.

Sa inilabas na Memorandum, inatasan ng kalihim ang lahat ng bureau, services, attached agencies, at regional office sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tukuyin ang mga frontline service na maaaring pasimplehin at maibigay ang serbisyo sa loob ng 72 oras, o mas maaga, mula sa araw na isumite/tinanggap ang mga kinakailangang dokumento. (Mina Navarro)

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?