Hulyo 21, 365 A.D., nang yanigin ng napakalakas na lindol ang Island of Crete sa Greece, na naging sanhi ng mega-tsunami na naging sanhi ng pagkasira ng ilang lugar sa Mediterranean, kabilang na ang lungsod ng Alexandria sa Egypt.
Ang sentro ng lindol ay tumama malapit sa plate boundary.
Naiulat na maraming tao ang nakasakay sa barko noong mga oras na iyon, at binalibag ng tsunami ang barko sa sea walls. Aabot sa 5,000 katao ang namatay, at 50,000 bahay ang nawasak, sa Alexandria pa lamang. Ang ibang lungsod at nayon ay lubha ring naapektuhan.
Naniniwala ang ibang tao na ang epekto ng lindol at tsunami ay negatibong nakaapekto sa Roman Empire, na naging dahilan ng pagkakahati ng East Roman at West (Byzantine) empires noong 395 A.D.