Jay R copy

AMINADO ang dating singer at actor na si Jay-R Siaboc, nakilala nang husto noon sa Kapamilya talent search na Pinoy Dream Academy, na unti-unting nawalan ng direksiyon ang kanyang showbiz career dahil sa mga maling desisyon niya.   

Ayon kay Jay R, sa panayam sa kanya nina Katotong Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa DZMM show na Mismo, ang mga maling impluwensiya na pinasok niya ang isa sa naging dahilan kaya lumaylay ang career niya.

“Nawala na ako talaga sa tamang desisyon dahil sa pinasok ko kung kaya umuwi ako sa probinsiya para hanapin ang sarili ko dahil ang daming nangyaring pangit sa buhay ko. 

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“Kumbaga, nawala na ako talaga nang husto. Dahil sa depresyon, eh, kung saan-saan na lang ako napunta,” sey ni Jay-R.  

Naikuwento rin niya na dahil sa nakamtan niyang kasikatan sa showbiz ay nagkamal na rin naman siya ng malaking pera.

Sa isang iglap, pagkagaling sa probinsiya ay nabibili na niya ang lahat ng gusto niya at hindi niya pinahalagahan ang blessings na dumarating sa kanya.   

“Ang dami pong nangyari na pangit sa buhay ko,” banggit pa ni Jay-R, at iyon ang dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz. 

At iyon ay personal na desisyon.

“Nagkakaroon ako ng sala sa maraming tao dahil sa mga maling desisyon ko. Before po ako napunta ng ABS, taga-probinsiya lang ako, inosenteng-inosente. ‘Tapos sa isang iglap lang ay nasa akin lahat: pera, fame -- na-overwhelm ako sa mga nangyayari at hindi ko alam kung paano i-handle iyon.   

“Hindi ko napahalagahan iyong mga blessings na dumating sa akin,” pag-amin pa rin ng naging first runner-up ni Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy.

Inamin ni Jay-R na nagbabalak siyang balikan ang showbiz at willing siyang mag-umpisa muli. 

Sa ngayon, ang mga raket sa probinsiya bilang band singer at iba pang provincial shows ang pinagkakaabalahan niya.

(JIMI ESCALA)