LAS VEGAS (AP) — Nagpositibo si heavyweight champion Brock Lesnar sa ikalawang doping test na isinagawa sa kanyang sample noong gabi ng kanyang pagkapanalo laban kay Mark Hunt sa UFC 200, ayon ulat ng Ultimate Fighting Championship.

Ipinaalam ng US Anti-Doping Agency kay Lesnar noong nakaraang lingo ang tungkol sa kanyang unang posibleng paglabag sa alituntunin ng UFC mula sa out-of-competition test noong nakaraang buwan.

Ayon sa UFC, nagpositibo si Lesnar sa parehas na hindi pa napapangalanang substance sa parehas na pagsusuri.

Tumangging magbigay ng komento ang 39-anyos na si Lesnar noong Martes (Miyerkules sa Manila) sa inilahad ng UFC patungkol sa kanyang ikalawang pagsusuri

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Isa si Lesnar sa sa pinaka-kilalang mixed martial arts at professional wrestler. Tinalo niya si Hunt batay sa desisyon noong Hulyo 9, at nakamit ang unang pagkapanol sa MMA fight sa loob ng apat at kahalating taon. Kumita rin siya ng UFC-record US$2.5 milyon. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)